Sa dinami-dami ng araw, buwan at mga taong lumipas. "At sa Wakas", narito na rin ang aking minimithi. Ang maitanghal ang ilan sa iyong mga gawa. Ang muling makilala ka ng tao sa larangan ng Sining. Marami man ang hindi nakakakilala sa iyo. Marami man ang gumamit ng iyong mga gawa at sukdulang ibaon sa limot ang tunay na may akda nito.
Narito na ang aking pinakahihintay namin. Nawa'y maging matagumpay ang ating gagawin.
Para sa iyo ang lahat ng ito. Ang pagsulat ko sa iyong buhay na siya namang kagiliw-giliw. Minsa ay naitatanong ko, bakit nga ba nahuli ako? o nauna ka ng hindi ko pa man lamang nasilayan ang talas ng iyong isip.
Bagamat ganoon talaga ang buhay! Tinatanggap ko ang Hamon ng Tadhana!
Thursday, June 28, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)